Ipinahayag kamakailan ni Ei Sun Oh, dalubahasa mula sa Nanyang Technological University(NTU)ng Singapore na ang Limang Ideyang Pangkaunlaran sa Governmental Working Report na ginawa ni Premyer Li Keqiang ay may mahalagang katuturan para sa Tsina at daigdig. Ito aniya'y kinabibilangan ng "Inobasyon, Koordinasyon, Green, Pagbubukas, at Panlahat na Pagtatamasa."
Ipinalalagay ni Ei Sun Oh, na ang naturang mga ideya ay makakatulong sa pagpapataas ng kalidad ng kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina, pagpapatuloy ng katamtaman at mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, pagsasakatuparan ng magkakasamang pagtatamasa ng mga mamamayang Tsino sa bungang dulot ng reporma at pag-unlad, at pagpapasulong ng win-win situation sa pagitan ng Tsina at mga kapitbansa.