Upang ipagdiwang ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, idinaos sa Bangkok kamakalawa ang Porum na Komersyal ng Tsina at Thailand. Dumalo at nagtalumpati sa porum sina Wu Zhiwu, Charge d'Affaires ng Embahadang Tsino sa Thailand, Wang Dongfa, Tagapangulo ng Komisyong Komersyal ng Thailand at Tsina, Yu Ping, Pangalawang Puno ng Samahang Tsino sa Pagpapasulong ng Kalakalang Pandaigdig, at Pangalawang Ministro ng Industriya ng Thailand.
Ang nasabing porum ay idinaos sa pagtataguyod ng Samahang Tsino sa Pagpapasulong ng Kalakalang Pandaigdig, Komisyong Komersyal ng Thailand at Tsina, at Chinese Chamber of Commerce sa Thailand.
Salin: Li Feng