|
||||||||
|
||
Mga bata mula sa Tsina't ASEAN na kalahok sa pasinaya ng webpage ng Window for ASEAN-China Children's Cultural Exchanges
Idinaos March 11, 2016 ang Seremonya ng pagsisimula ng theme webpage na "Window for ASEAN-China Children's Cultural Exchanges (WACCCE)"(http://www.chinaculture.org/waccce/)sa China National Theatre for Children.
Si Amba. Erlinda Basilio sa kanyang talumpati
Dumalo sa seremonya sina Erlinda F. Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng China-ASEAN Center, She Jing, Pangalawang Tagapangulo ng China Soong Ching Ling Foundation (CSCLF), at iba pa.
Mga bata mula sa Tsina't ASEAN sa pasinaya ng webpage ng Window for ASEAN-China Children's Cultural Exchanges
Kabilang sa WACCCE ang 4 na column, "About Us," "News," "Programs" at "Resources." Ito ay magiging isang plataporma ng pangmatagalang pagpapalitan ng kultura ng mga kabataan ng ASEAN at Tsina. Ipapalabas dito ang mga proyekto ng pagpapalitang pangkultura ng mga kabataan, impormasyon ng serbisyo, at mga pagbabalita hinggil sa pagpapalitang kultural.
Ang taong ito ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng ASEAN at Tsina. Tatalakayin ng WACCCE ang kooperasyon ng mga mag-counterpart sa Tsina at ASEAN, at inaasahang magiging tulay pangkultura ng mga kabataan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
salin:wle
http://www.chinaculture.org/wacccecn/ (WACCCE webpage, Chinese version)
http://www.chinaculture.org/waccce/ (WACCCE webpage, English version)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |