Ayon sa China News Service, ipinahayag kahapon, Marso 14, 2016, ng Departamento ng Pampublikong Seguridad ng Hainan ng Tsina, na upang maigarantiya ang seguridad sa gaganaping unang Lancang-Mekong Cooperation Summit at taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA) sa 2016, isinapubliko kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ng Hainan ang babalang nagsasabing sa panahon ng naturang dalawang pulong, ipagbabawal ang anumang commercial flight sa probinsyang ito.
Ayon sa naturang babala, ang flight ban ay isasagawa mula alas-8 ng umaga, Marso 21, 2016, hanggang hating-gabi ng Marso 25, 2016.
Salin: Li Feng