Ayon sa Xinhua News Agency, mula ika-22 hanggang ika-25 ng susunod na buwan, gaganapin sa Bo'ao, lalawigang Hainan ng Tsina, ang taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA). Sa panahong iyon, idaraos ang 83 talakayan.
Ang tema ng BFA sa 2016 ay "Bagong Kinabukasan ng Asya: Bagong Kasiglahan at Bagong Prospek." Nitong ilang taong nakalipas, sa epekto ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, umiiral ang mga problemang gaya ng mataas na unemployment rate, masamang kalagayang pinansiyal, at over production capacity sa maraming bansa sa daigdig. Ang mga ito ay humahadlang sa pangangailangan ng konsumo at pamumuhunan, at nakakabawas ng pagkatig sa kalakalang pandaigdig. Ang pagpapasigla sa kabuhayang pandaigdig, at paglikha ng bagong growth point, ang magiging pokus ng tema sa nasabing taunang pulong.
Salin: Li Feng