Nagbabala nitong Lunes, March 14, 2016 si Stephane Dujarric, opisyal ng United Nations (UN) na nakatalaga sa Vietnam na 39 sa 63 lalawigan ng bansang ito ang apektado ng grabeng tagtuyot at salt intrusion sa Mekong Delta, at 10 probinsya ang nagpalabas ng state of emergency.
Sa arawang news briefing sinabi ni Dujarric hanggang Marso 10 halos 160,000 pamilya ay tinayang kulang sa pang-araw-araw na kinakailangang tubig.
Dahil sa buwan-buwang pag-ulan na mas mababa sa karaniwang antas bunsod ng El Nino, nararanasan ng Vietnam ang pinakamatinding tagtuyot nitong 90 taong nakalipas.
Ayon sa mga datos ng pamahalaang Biyetnames, nawawala rin ang halos 160,000 hektaryang palayan. Nagdulot ito ng pinsalang pangkabuhayan na nagkakahalaga ng 10.5 milyong dolyares. Ang karagdagang 500,000 hektarya ang nasa panganib na mawala sa kalagitnaan ng 2016 kung kailan matatapos ang apekto ng El Niño.
Bukod sa Biyetnam, ang ibang mga bansang ASEAN na gaya ng Kambodya, Laos, Thailand at Myanmar ay nakakaranas din ng kakulangan sa tubig na dulot ng napakainit na panahon.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac