Ayon sa Xinhua News Agency, bumati kahapon, Marso 15, 2016, si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa pagkahalal ni Htin Kyaw bilang Pangulo ng Myanmar. Nanawagan din siya sa iba't-ibang panig ng bansang ito na magtulungan para mapatatag ang pagkakaisa at katatagan ng bansa.
Inulit din niya na patuloy na kakatigan ng United Nations (UN) ang Myanmar sa pagpapasulong ng kapayapaan, kaunlaran, karapatang pantao, at pangangasiwa alinsunod sa batas para mapangalagaan ang kapakanan ng buong mamamayan ng naturang bansa.
Salin: Li Feng