Ayon sa Xinhua News Agency ng Tsina, bilang kandidato ng National League for Democracy(NLD), si Htin Kyaw ay inihalal kahapon, Marso 15, 2016 ng Parliamento ng Myanmar, bilang bagong Pangulo ng bansa. Ito ay nangangahulugang magsasabalikat ang NLD ng tungkuling administratibo ng pamahalaan, mula unang araw ng Abril, 2016. Samantala, kasalukuyang nagpopokus ang komunidad ng daigdig sa kung paanong isasagawa ng Myanmar ang patakarang panlabas sa mga ibang bansang kinabibilangan ng Tsina.
Nauna rito, ipinahayag noong Nobyembre, 2015 ni Aung San Su Kyi, Puno ng NLD na ipagpapatuloy nito ang mapagkaibigang patakaran sa Tsina.
Sinabi ni Aung San Su Kyi na nananatiling mahigpit, sa kasaysayan ang mapagkaibigang relasyong pangkapatid ng Tsina at Myanmar; sa kasalukuyan, nananatiling mabunga ang kanilang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan. Ito aniya'y matibay na pundasyon para ibayo pang magpasulong sa mapagkaibigang relasyon ng dalawang panig.