Idinaos kamakailan sa Tsina ang Ika-17 China Venture Capital and Private Equity Forum.
Ayon sa mga kalahok, dahil sa paghikayat ng bansa sa inobasyon sa lahat ng mga mamamayan, mas maraming startup ang lumilitaw at nakalikha ito ng magandang oportunidad para sa mga venture capital. Kasabay nito, dahil sa dumaraming venture capital, napapabilis ang industriyalisasyon ng mga startup at proyektong inobatibo.
Ayon sa estadistika, sa kasalukuyan, lumampas na sa 200 ang bilang ng mga base para sa inobasyon at pagsisimula ng negosyo ng mga bagong gradweyt mula sa pamantasan. Noong unang kuwarter ng 2015, halos 350 startups ang nakatanggap ng angel investment. Mas mataas ng halos 94% ang bilang na ito kumpara sa gayunding panahon ng 2014.
Salin: Jade