BEIJING--Nanawagan si Premyer Li Keqiang ng Tsina para magkaroon ng pambansang tiyaga upang mapataas ang lebel ng industriya ng paggawa. Ipinagdiinan niyang sa paraang ito lamang, matitiyak ang katamtaman at mataas na paglaki ng kabuhayan ng Tsina.
Sa kanyang inspeksyon sa China Nuclear Power Engineering Co., Ltd., sinabi ni Premyer Li na malaki ang ibinibigay na ambag ng industriya ng paggawa sa pambansang kaunlaran ng Tsina, pero, nasa mababang lebel pa rin ang industriya ng paggawa ng Tsina pagdating sa international division of labor.
Nanawagan din siya sa mga bahay-kalakal na i-upgrade ang mga kasangkapang hay-tek at mga panindang pangkonsumo, sa pamamagitan ng inobasyon, gamit ang mga bagong teknolohiya na gaya ng big data, cloud computing, Internet of Things (IoT), 3D printing at iba pa.
Salin: Jade