Ayon sa isang patalastas na ipinalabas kahapon, Marso 17, 2016, ng Tanggapan ng Parliamentong Pederal ng Myanmar, hinirang si Aung San Su Kyi, Pangulo ng National League for Democracy (NLD), bilang Tagpangulo ng Joint Coordination Committee for Development of Parliamentary Affairs. Ang komiteng ito ay binubuo ng 8 miyembro.
Sapul nang simulan ang pambansang halalan ng Myanmar noong Nobyembre 8, 2015, ito ang unang posisyong may-kinalaman sa resulta ng halalan na nakuha ni Aung San Su Kyi.
Salin: Li Feng