Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinaghihinalaang labi ng MH370, dumating ng Australia para sa pagsisiyasat

(GMT+08:00) 2016-03-21 15:24:25       CRI

Kuala Lumpur—Ipinahayag nitong Linggo, Marso 20, 2016 ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na dalawang piraso ng pinaghihinalaang labi ng nawawalang Flight MH 370 ng Malaysia Airlines ang nakarating nang araw rin iyon ng Australia para sa pagsisiyasat.

Namamahala sa pagsisiyasat ang isang pandaigdig na grupong pang-imbestigasyon, sa tulong ng mga dalubhasa mula sa Australian Transport Safety Bureau (ATSB), Department of Civil Aviation Malaysia (DCA), Malaysia Airlines at Boeing.

Isa sa nasabing dalawang piraso, na pinaghihinalaang bahagi ng horizontal stabilizer at tinangay sa baybaying-dagat ng Mozambique ang ipinadala na sa Malaysia para sa inisyal na pagsusuri.

Ang isa pang piras ay natuklasan sa Mozambique ng mga nagbabakasyong South African.

Isang piraso ng pinaghihinalaang labi ng nawawalang MH370 ang ipinakita sa news conference sa Maputo, kabisera ng Mozambique, noong Marso 3 2016. (file photo: Xinhua/Li Xiaopeng)

Noong ika-8 ng Marso, 2014, nawala ang Boeing 777-200 aircraft habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at 154 sa mga ito ay Tsino. Noong ika-29 ng Enero ng 2015, ipinatalastas ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia na bumagsak ang nasabing eroplano, at nasawi ang lahat ng pasahero.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>