|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Lunes, March 14 2016 ng Malaysia na ang mga pinaghihinalaang labi ng nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines ay ipapadala sa Australia at Pransya para sa pagsusuri. Magkahiwalay na nakita ang mga labi sa Mozambique at Reunion Island ng Pransya.
Nanawagan si Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia sa publiko na mag-pasyensya habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri na ilalabas ng mga dalubhasa.
Ipinagdiinan niyang sa kasalukuyan, hindi pa kumpirmado kung ang nasabing mga labi ay galing sa nasawing-palad na eroplano.
Isang piraso ng labi na pinaghihinalaang bahagi ng horizontal stabilizer na tinangay sa baybaying-dagat ng Mozambique ay ipinadala na sa Malaysia para sa inisyal na pagsusuri.
Isa pang piraso ng labi na naiulat na natuklasan sa Mozambique ng mga nagbabakasyong South African ay ipinadala sa Timog Aprika. Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang Malaysia sa Timog Aprika para kunin ang pinaghihinalaang labi.
Ang nasabing dalawang piraso ng labi ay ipapadala sa Australia para sa pagsusuri ng isang pandaigdig na grupong pang-imbestigasyon.
Ang piraso ng labi na natagpuan sa Reunion Island ng Pransya na pinaghihinalaang flaperon ay ipapadala sa Prasya para sa pagsusuri.
Noong ika-8 ng Marso, 2014, nawala ang Flight MH370 habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at 154 sa mga ito ay Tsino.
Isang piraso ng pinaghihinalaang labi ng nawawalang MH370 ang ipinakita sa news conference sa Maputo, kabisera ng Mozambique, noong Marso 3 2016. (file photo: Xinhua/Li Xiaopeng)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |