Magkahiwalay na nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-21 ng Marso 2016, sa Beijing, sina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina, kay dumadalaw na Pangulong Joachim Gauck ng Alemanya.
Nagpalitan ng palagay sina Xi at Gauck hinggil sa relasyon at kooperasyon ng Tsina at Alemanya. Sinang-ayunan nilang patibayin at palakasin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa, at pahigpitin ang kooperasyon bilang tugon sa mga hamong pandaigdig.
Tinalakay, pangunahin na, nina Li at Gauck ang kooperasyon ng Tsina at Alemanya sa kalakalan at pamumuhunan, at pag-uugnay ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai