Sa Pulong ng Parliamentong Pederal ng Myanmar ngayong araw, Marso 22, 2016, ipinatalastas ni Mahn Win Khaing Than, pangulo ng naturang parliamento, ang listahan ng nominasyon ng mga ministro ng gabinete na isinumite ni Htin Kyaw, bagong halal na pangulo ng bansang ito.
Si Aung San Su Kyi, Pangulo ng National League for Democracy (NLD), ay kabilang sa naturang listahan.
Ayon kay Mahn Win Khaing Than, kukumpirmahin samakalawa, Marso 24, 2016, ng Parliamentong Pederal ang espisipikong posisyon para sa mga nai-nominate na opisyal.
Salin: Li Feng