|
||||||||
|
||
Hanoi, Vietnam—Ayon sa government work report na inilabas ng Vietnam nitong Lunes, Marso 21, 2016, umabot sa 5.91% ang karaniwang taunang paglaki ng gross domestic product (GDP) ng bansa mula 2011 hanggang 2015.
Batay sa nasabing work report na inilahad sa idinaraos na ika-11 taunang sesyon ng Ika-13 National Assembly (NA), punong lehislatura ng Vietnam, noong 2015, lumampas sa 193 bilyong U.S. dollars ang GDP ng bansa at umabot naman sa 2,109 U.S. dollars ang per capita GDP.
Ayon din sa ulat, umabot sa 6.68% ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Vietnam noong 2015. Nakalikha ito ng record high sapul noong 2008. Samantala, umabot lamang sa 0.63% ang bahagdan ng paglaki ng Consumer Price Index (CPI) noong 2015 at ito ang pinakamababa nitong sampung taong nakalipas.
Nasasaad din sa government report na tinatayang aabot sa 6.5% hanggang 7% ang paglaki ng GDP ng Vietnam ayon sa pambansang planong pangkabuhaya't panlipunan mula 2016 hanggang 2020.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |