|
||||||||
|
||
Naiuwi na kahapon ng hapon ang abo ng dalawang biktimang Tsino sa karahasang kontra-Tsina sa Biyetnam.
Ang dalawang biktimang sina Yi Jijun at Zhang Yijian ay empleyado ng 19th Metallurgical Corporation ng Tsina. Ang construction site ng nasabing bahay-kalakal na Tsino ay matatagpuan sa Probinsyang Ha Tinh sa bandang gitna ng Biyetnam. Inatake ang lugar sa kasagsagan ng karahasan laban sa Tsina noong ika-14 ng nagdaang Mayo. Apat na trabahador ng naturang bahay-kalakal ang napatay at mahigit 130 ang nasugatan. Umabot naman sa 370 milyong yuan (59.24 million U.S. dollars) ang kapinsalaang pangkabuhayan ng kompanya.
Naganap ang trahedya isang buwan pagkaraang magsimulang magtrabaho si Yi Jijun sa Biyetnam. Naulila ng karahasan ang kanyang 8-taong anak.
Napatay naman ang 20-taong-gulang na si Zhang Yijian, tatlong araw makaraang dumating siya sa Biyetnam.
Noong kalagitnaan ng Mayo, isang serye ng karahasan na nakatuon sa mga bahay-kalakal na dayuhan ang naganap sa timog at sentral na Biyetnam. Limang (5) Tsino ang namatay, humigit-kumulang 20 pabrikang dayuhan ang nasunog at mahigit 1,100 kompanyang dayuhan ang apektado.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |