|
||||||||
|
||
Magkakasamang humarap ngayong araw, Marso 23, 2016, sa mga mamamahayag ang mga lider mula sa anim (6) na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River. Ang naturang mga lider ay kinabibilangan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, Punong Ministro Thongsing Thammavong ng Laos, Pangalawang Pangulong Sai Mauk Kham ng Myanmar, at Pangalawang Punong Ministro Pham Binh Minh ng Biyetnam. Sila ang kalahok sa unang Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Leaders' Meeting na kasalukuyang idinaraos sa Sanya, probinsyang Hainan ng Tsina.
Sinabi ni Premyer Li na naitakda sa pulong ang tatlong sandigan ng kooperasyon na gaya ng seguridad na pulitikal, kabuhayan at sustenableng pag-unlad, at lipunan at kultura. Bukod dito, naitakda aniya ang limang (5) preperensyal na direksyong pangkooperasyon na kinabibilangan ng konektibidad, kakayahan ng produksyon, kabuhayang transnasyonal, yamang-tubig, agrikultura, at pagbabawas ng karalitaan.
Nagkasundo rin ang nasabing anim na bansa na idaraos kada dalawang taon ang ganitong pulong. Gaganapin sa Cambodia ang susunod na pulong.
Ang Mekong ay nagsisimula sa Tsina at tinatawag itong Lancang ng mga mamamayang lokal.
(Photo Credit: Xinhua)
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |