Pagkaraang maganap kahapon, Marso 22, 2016, ang insidente ng pambobomba sa Brussels, kabisera ng Belgium, agarang nagpadala si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe kay Haring Philippe Leopold Louis Marie ng Belgium para ipahayag ang lubos na pakikiramay sa mga nasawi sa pamboboma at taos-pusong pakidalamhati sa mga nasugatan at kamag-anak ng mga nasawi.
Bukod dito, matinding kinondena ni Xi ang naturang pag-atake. Ipinahayag ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin, kasama ng Belgium, ang kooperasyon sa seguridad at paglaban sa terorismo.
Nang araw ring iyon, nagpadala rin si Premyer Li Keqiang ng Tsina ng mensahe kay Charles Michel, Punong Ministro ng bansang ito, para matinding kundinahin ang mga may kagagawan at lubos na makidalamhati sa mga nasawi.
Sinabi ni Li na matatag na kinakatigan ng panig Tsino ang pagsisikap ng Belgium sa paglaban sa terorismo at pangangalaga sa pambansang katiwasayan.
Salin: Ernest