Nag-usap kahapon sa Brussels sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministrong Elio Di Rupo ng Belgium. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Binigyang-diin ni Xi na nakahanda ang Tsina na itatag, kasama ng Belgium ang mapagkaibigang partnership para pasulungin ang kanilang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Kaugnay nito, tatlong mungkahi ang iniharap ng Pangulong Tsino. Una, paggiit sa pangkaibigan at pangmatagalang relasyong pulitikal; Ikalawa, pagpapasulong sa kooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng kabuhayan, siyensiya at teknolohiya, at humanidad; Ikatlo, inaasahang patitingkarin ang positibong papel ng Belgium para pasulungin ang relasyong Sino-Europeo.
Ipinahayag naman ni Di Rupo na nakahanda ang Belgium na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng kabuhayan, siyensiya at teknolohiya, at humanidad para pasulungin ang kanilang mapagkaibigang partnership. Aniya, umaasa rin siyang pahihigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning pandaigdig para sa magkasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Pagkatapos ng pag-uusap, dumalo rin ang dalawang puno sa seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon sa larangan ng kabuhayan at kalakalan, at siyensiya at teknolohiya.