|
||||||||
|
||
Samantala, naka-half-mast ang watawat sa maraming lugar bilang pakikidalamhati sa mga nasawi.
Naka-half-mast ang lahat ng mga watawat sa harap ng gusali ng punong himpilan ng Unyong Europeo bilang pakikidalamhati sa mga nasawi sa teroristikong pagsalakay sa Brussels.
Iniutos nitong Martes, ika-22 ng Marso 2016, ni Pangulong Barack Obama na ihalf-mast ang pambansang watawat sa buong Amerika bilang pakikidalamhati sa mga nasawi sa Brussels.
Gusali ng pambansang asamblea ng Austria.
Mansyong opisyal ng Punong Ministro ng Britanya sa No. 10 Downing Street, London.
Mga alas-8 Martes ng umaga, local time, naganap ang pagsabog sa departure hall ng Zaventem Airport malapit sa Brussels. 14 na katao ang namatay, at 81 iba pa ang nasugatan. Halos isang oras pagkaganap ng insidenteng ito, isa pang pagsabog ang naganap naman sa Maelbeek subway station sa paligid ng punong himpilan ng Unyong Europeo (EU) sa Brussels, na ikinamatay ng 20 katao, at ikinasugat ng 106 na iba pa, kabilang dito, 17 katao ang nasa kritikal na kondisyon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |