Magkahiwalay na nakipagtagpo kahapon, Marso 23, 2016, sa Sanya ng lalawigang Hainan, Tsina, si Premyer Li Keqiang sa mga lider ng limang bansa sa rehiyon ng Mekong River na kinabibilangan ng Thailand, Laos, Cambodia, Myanmar, at Vietnam.
Ang naturang mga lider ng limang bansa ay pumunta sa Sanya para lumahok sa unang Lancang-Mekong Cooperation Leaders' Meeting at taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
Sa pagtatagpo, inilahad ni Premyer Li ang hangarin ng panig Tsino sa pagpapasulong ng pagkakaibigan at mga aktuwal na kooperasyon sa naturang limang bansa na gaya ng daambakal, imprastruktura, pamumuhunan, at priyekto ng patubig.
Bukod dito, ipinahayag din ni Li na kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng ASEAN Community.
Salin: Ernest