|
||||||||
|
||
Bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng pandaigdig na digmaan laban sa Pasismo at ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng digmaan ng Tsina laban sa pananalakay na Hapones, ipinalabas kamakailan ng China Central Television (CCTV) ang dokumentaryo hinggil sa nagkakaibang atityud na pangkasaysayan ng Alemanya at Hapon.
Ayon sa dokumentaryo, sa pamamagitan ng 70 taong pagsisikap, naitatag ng Alemanya ang sistema ng pagsisisi sa digmaan; samantala, ang Hapon naman ay tumatangging aminin ang mapanalakay na kasaysayan nito, higit pa, binago ng mga makakanang Hapones ang teksbuk hinggil sa pananalakay ng militarismong Hapones sa mga bansang Asyano, at bumisita ang mga lider na Hapones sa Yasukuni Shrine kung saan idinadambana ang mga class-A criminal noong World War II.
Ayon kay Jörg Wuttke, Presidente ng European Chamber of Commerce in China, na dahil sa karanasan niya noong kanyang kabataan, may matinding kamalayan siya na isinasabalikat ng Alemanya ang mabigat na kasalanan dahil sa pananalakay. Idinagdag pa niyang makaraang makaranas ng dalawang pandaigdig na digmaan, tumpak na nakikitungo ang mga Aleman sa kasaysayan para maiwasan ang pag-ulit ng trahediya.
Kaugnay ng pagsisisi ng mga Aleman sa mapanalakay na kasaysayan, sinabi ni Bu Ping, Dalubhasa mula sa Chinese Academy of Social Sciences na ang pokus ng pagsisisi ng mga Aleman ay hinggil sa pag-aakyat sa poder ng mga Nazi at pagpaslang sa mga Hudyo. Idinagdag pa ni Bu na ang pagsisisi ng buong lipunan ng Alemanya ay ipinakikita ng tatlong sumusunod na aspekto: walang-tigil na imbestigasyon sa kasalanan ng mga Nazi at paglilitis sa kanila; pagsisisi ng mga intellectual sa kanilang pananagutan sa digmaan; at pagsisisi ng mga kabataan sa kanilang responsibilidad sa digmaan.
Hinggil naman sa situwasyon sa Hapon, sinabi ni Bu na mayroon ding mga Hapones na nagsisisi hinggil sa papel ng bansa bilang mananalakay, pero, hindi kasingganap ng mga Aleman, ibig sabihin, hindi masasabing nagsisisi ang buong lipunan ng Hapon sa nasabing kasaysayan, lalong lalo na ang mga makakanang lider at grupo.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |