Pormal na naitatag ngayong araw, Biyernes, ika-25 ng Marso 2016, sa Hainan, Tsina, ang China-Southeast Asia Research Center on the South China Sea. Kalahok sa sentrong ito ang mga think tank ng mga bansa sa rehiyong ito, na gaya ng National Institute for South China Sea Studies ng Tsina, Centre for Strategic and International Studies ng Indonesya, at iba pa.
Ang sentrong ito ay inaasahang magiging mahalagang plataporma ng pagpapalitan ng palagay at magkakasamang pag-aaral ng mga bansa sa isyu ng South China Sea. Ang pagtatatag nito ay nagpapakita ng komong hangarin ng mga bansa sa rehiyong ito para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Salin: Liu Kai