Ayon sa ulat ng People's Daily, mula nitong Biyernes hanggang Sabado, idinaos sa Vientiane, Laos, ang Di-pormal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN na dinaluhan ng mga Ministrong Panlabas mula sa 10 bansang ASEAN, at Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Inulit ng mga kalahok ang kanilang komong pangakong pangalagaan at pasulungin ang kapayapaan, kaligtasan, at katatagan ng South China Sea (SCS), at mapayapang lutasin ang alitan tungkol dito. Binigyang-diin nila ang mahalagang katuturan ng komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea." Nanawagan din silang dapat marating ang "Code of Conduct of Parties in the South China Sea" sa lalong madaling panahon.
Sa isang preskon, ipinahayag ni Thonglun Sisoulit, Pangalawang Punong Ministro, at Ministrong Panlabas ng Laos — kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na ang Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang dialogue partner ng ASEAN. Aniya, para sa ASEAN, napakahalaga ng katuturan ng pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina.
Salin: Li Feng