Sa pulong ng gabinete ng Pamahalaang Hapones na idinaos ngayong araw, Marso 25, 2016, ipinasiya nitong hirangin si Yokoi Hiroshi, bilang bagong embahador ng bansa sa Tsina. Siya ay kahalili ng kasalukuyang embahador na si Masato Kidera.
Ang 61 taong gulang na si Yokoi Hiroshi, ay naunang hinirang bilang embahador ng Hapon sa Turkey. Sa Hapon, siya ay itinuturing na isa sa mga kinatawang "nakakaalam sa Tsina." Maraming beses din siyang nagtrabaho sa embahadang Hapones sa Amerika. Kaya siya rin ay dalubhasa sa relasyon ng Hapon at Amerika.
Salin: Li Feng