Ayon sa Xinhua News Agency, mula kamakalawa hanggang kahapon, idinaos sa Xiamen, lalawigang Fujian ng Tsina, ang ika-4 na mataas na pagsasanggunian ng Tsina at Hapin tungkol sa mga suliraning pandaga.
Dumalo sa nasabing pagsasanggunian ang mga kinatawan mula sa mga may-kinalamang departamento ng dalawang bansa.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga kinauukulang isyu ng East China Sea. Tinalakay din nila ang tungkol sa konkretong porma ng kooperasyon ng dalawang bansa sa dagat.
Salin: Li Feng