Ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang konstruksyon ng pandaigdigang destinasyong panturista ay pangunahing gawain para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng lalawigang Hainan.
Habang dumadalo sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia at unang Lancang-Mekong Cooperation Leaders' meeting mula ika-22 hanggang ika-25 ng buwang ito, naglakbay-suri si Li sa Hainan para malaman ang mga kalagayan hinggil sa industriya ng turismo.
Sinabi ni Li na dapat igiit ang ideya ng inobasyon para pasulungin ang komprehensibong pag-unlad ng turismo. Sinabi pa niyang ang pag-unlad ng turismo ay nakakatulong sa pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural, konsumo at hanap-buhay sa lokalidad.
Bumisita rin si Li sa sentro ng impormasyon ng turismo sa Hainan. Sinabi niyang dapat mabisang pangalagaan ang kaayusan ng pamilihan at kapakanan ng mga turista.
Salin: ernest