Nangulo kahapon, ika-18 ng Marso, 2016, sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa pulong ng Konseho ng Estado, para isaayos ang mga detalyadong gawain sa taong ito, na iniharap sa kanyang Government Work Report.
Hiniling ni Li sa iba't ibang departamento ng pamahalaan na igarantiya ang pagsasakatuparan ng mga pangunahing target sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Sinabi rin niyang ang tatlong pangunahing gawain sa aspekto ng reporma sa sistemang pangkabuhayan sa taong ito ay pagpapasulong sa paglaki ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpigil sa mga panganib sa kabuhayan. Dagdag pa niya, sa taong ito, dapat komprehensibong isagawa ang mga hakbangin ng pagbabawas ng buwis sa mga bahay-kalakal.
Salin: Liu Kai