Ipinatalastas ngayong araw, Marso 17, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo at bibigkas ng talumpati sa ika-24 ng kasalukuyang buwan, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa taong 2016 na gaganapin sa probinsyang Hainan, Tsina.
Dadalo rin dito ang mga dayuhang lider na kinabibilangan ng mga lider ng limang (5) bansa na kalahok sa unang Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Summit, Punong Khadga Prasad Sharma Oli ng Nepal, Punong Ministro Algirdas Butkewiczius ng Lithuania, Pangalawang Pangulong Muhammad Jusuf Kalla ng Indonesia, Pangalawang Punong Ministro Yoo ll-ho ng Timog Korea, at iba pa.
Salin: Li Feng