Marso 21, 2016, Beijing-Sa kanyang pakikipag-usap kay Christine Lagarde, Puno ng International Monetary Fund(IMF), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa di-matatag na kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, umaasa ang Tsina na pahigpitin ang koordinasyon sa pagitan ng malalaking ekonomiya ng daigdig para pangalagaan ang katatagang pinansyal at pangkabuhayan ng buong mundo. Nakahanda aniya ang Tsina na mapahigpit ang pakikipagdiyalogo at pakikipagtulungan sa IMF para palakasin ang kompiyansa at katatagan ng pamilihan.
Ipinahayag naman ni Lagarde na nagkakabisa ang pakikipagpalitan ng Tsina sa mga organisasyong pinansyal ng daigdig sa patakarang pinansyal, na gaya ng foreign exchange rate ng RMB. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapanumbalik ng kompiyansa ng pamilihang pandaigdig.