Kinondena kahapon, Marso 26, 2016, ni Hossein Jaberi Ansari, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, ang akusasyon ng Department of Justice ng Amerika sa 7 sibilyang Iranian na nagsagawa di-umano ng cyber attack sa mga sistema ng 46 na bangko at isang hydropower station ng Amerika.
Sinabi ni Ansari na palagiang nagsisikap ang kanyang pamahalaan para labanan ang network crime at pahigptin ang pangangasiwa at pagsusuperbisa sa cyber security.
Dagdag pa niya, mali ang akusasyon ng pamahalaang Amerikano sa mga Iranian dahil walang katotohanan ito.