|
||||||||
|
||
Di kukulangin sa 69 ang namatay kung saan 1/3 ang mga bata, at mahigit 300 ang nasugatan sa suicide bombing na naganap gabi ng Linggo, March 27, 2016 sa Lahore, siyudad sa dakong silangan ng Pakistan.
Ayon kay Haider Ashraf, Deputy Inspector General Police ng Pakistan, pinasabog ng suicide bomber ang kanyang sarili sa parking stand malapit sa swing area ng mga bata at ticket booth ng Gulshan-e-Iqbal Park sa Lahore, punong lunsod ng Punjab province.
Bukod sa 23 batang namatay, 56 na iba pang bata ang nasugatan at sinugod sa iba't ibang ospital sa Lahore.
Inamin ng Jamaat-ul-Ahrar, hiwalay na grupo ng Tehrik-e-Taliban Pakistan (Movement of the Taliban in Pakistan) ang responsibilidad sa nasabing atake.
Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Eshansullah Ehsan, nakatuon ang nasabing pagsabog laban sa mga Krystiyano habang ipinagdiriwang ang Linggo ng Pagkabuhay.
Mga taong nagtitipun-tipon sa lugar na pinagsabugan sa Lahore. March 27, 2016. (Xinhua/Jamil Ahmed)
Isang lalaking Pakistani na umiiyak sa lugar na pinagsabugan sa Lahore. March 27, 2016. (Xinhua/Jamil Ahmed)
Mga Pakistani na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kamag-anak sa labas ng isang ospital sa Lahore. March 27, 2016. (Xinhua/Sajjad)
Mga Pakistani habang nagluluksa sa labas ng isang ospital sa Lahore. March 27, 2016. (Xinhua/Sajjad)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |