KALUSUGAN ang problema ni G. Maia Santos – Deguito, ang dating manager ng Jupiter Branch ng Rizal Commercial Banking Corporation na diumano'y sangkot sa US$ 81 milyon money laundering scheme.
Ayon kay Senador Rene Saguisag, marahil 'di makadalo sa pagdinig ng Senador bukas ng Senate Blue Ribbon Committee dahilan sa karamdaman, dala ng stress mula noong ikasiyam ng Pebrero sa pagkakadawit na may nababatid siya sa P 4 bilyong nailipat mula sa mga bangko sa New York hanggang sa RCBC main office at sa kanyang sangay sa Jupiter Street. Ito ang buod ng liham na ipadadala ni G. Saguisag sa Senado.
Ayon sa isa sa mga tauhan ni Senador Teofisto Guingona III, may natanggap na silang sipi ng liham.
Ipinaliwanag ni G. Saguisag na mula sa pagiging suspendidong manager ay natanggal na siya sa trabaho bilang branch manager, natanong na ng mga opisyal ng bangko, tinanggihang isakay sa eroplano kasama ang kanyang mister at sampugn taong gulang na anak na lalaki samantalang patungong Japan, malathala ang larawan sa mga pahayagan, matanong bilang testigo ng may 10 senador sa loob ng dalawang oras sa executive session, nakasuhan at binalaang papatayin, hindi na biro ang nadarama ng kanyang kliyente.
Humuhiling ang dating opisyal ng bangko na huwag muna siyang paharapin sa pagdinig hanggang sa susunod na ikaapat ng Abril.