|
||||||||
|
||
Phnom Penh—Ini-donate nitong Lunes, Marso 28, 2016, ng Cambodian branch ng Huawei, Chinese company na nangunguna sa information and communication technology (ICT) solutions provider sa daigdig, ang 138 set ng laptop computers sa Union of Youth Federations of Cambodia (UYFC).
Ang seremonya ng donasyon ay idinaos sa Pasuguan ng Tsina sa Cambodia.
Ipinahayag ni Hun Many, Puno ng UYFC ang pasasalamat sa suporta ng Huawei sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kabataang Kambodyano.
Sinabi naman ng kinatawan ng Huawei na ang kabataan ay driving force para sa kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan ng isang bansa. Aniya pa, bilang pagpapatupad ng social responsibility, patuloy na magkakaloob ang kompanya ng mas maraming tulong at suporta sa lipunan ng Cambodia bilang ganting-loob sa mga mamamayang lokal.
Mga kinatawan mula sa UYFC, Huawei at Pasuguan ng Tsina sa seremonya ng donasyon. (Photo credit: CRI/Feng Hui)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |