Magkahiwalay na nagpadala ng mensahe, kahapon, Lunes, ika-28 ng Marso 2016, sina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina, kina Pangulong Mamnoon Hussain at Punong Ministro Muhammad Nawaz Sharif ng Pakistan, kaugnay ng grabeng insidente ng suicide bombing na naganap kamakalawa sa Lahore ng bansang ito.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at kanilang sarili, ipinagluksa ng mga lider na Tsino ang mga nasawi sa naturang insidente. Nakiramay din sila sa mga nasugatan at mga kamag-anakan ng mga nasawi.
Dagdag pa ng mga lider na Tsino, tinututulan ng Tsina ang lahat ng mga porma ng terorismo, at kinokondena ang naturang teroristikong pag-atake. Ipinahayag nila ang pagkatig sa Pakistan sa paglaban sa terorismo, paggarantiya sa katatagan ng bansa, at pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai