Nagtagpo nitong Martes, March 29, 2016, sa Prague, kabisera ng Czech Republic, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punonog Ministro Bohuslav Sobotka ng bansang ito.
Sinabi ni Xi na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan ng kanilang estratehiya at itakda ang mga pangunahing proyekto ng kooperasyon batay sa Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa magkasamang konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt and 21st Century Maritime Silk Road" o "Belt and Road" Initiative.
Sinabi pa ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin, kasama ng Czech, ang mga kooperasyon sa imprastruktura, high-tek, pamumuhunan, pananalapi, at kultura.
Ipinahayag ni Bohuslav Sobotka na ang mga kooperasyon ng dalawang bansa ay nakakabuti sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya siyang ibayo pang pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative at mga kooperasyon ng Tsina at Gitnang-silangang Europa.
Salin: Ernest