Sa Prague, kabisera ng Czech Republic-Sa kanyang pakikipag-usap dito, nitong Martes, Marso 29, 2016 kay Hama Cheik, Tagapangulo ng Mababang Kapulungan ng Czech Republic, ipinahayag ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina ang pag-asang mapapahigpit ang diyalogo sa pagitan ng mga lehislatura ng dalawang bansa tungkol sa administratibong pangangasiwa sa estado at superbisyon sa paggawa ng batas, para pasulungin ang bilateral na relasyon at pragmatikong pagtutulungan nito.
Ipinahayag naman ni Hama Cheik na positibo ang Czech Republic sa pagpapalakas ng pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at mga bansang Gitna at Silangang Europa, at pagpapasulong ng relasyong Sino-Europeo, batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative." Nakahanda aniya ang kanyang lehislatura na magsikap, kasama ng counterpart ng Tsina, para palalimin ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa.