Sa Prague, kabisera ng Czech Republic-Sa kanyang pakikipag-usap dito, nitong Martes, Marso 29, 2016 kay Milan Stech, Tagapangulo ng Mataas na Kapulungan ng Czech Republic, ipinahayag ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina ang pag-asang palalakasin ang mapagkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng mga lehislatura ng dalawang bansa sa ibat-ibang antas, pahihigpitin ang pagpapalitan ng karanasan sa paggawa ng batas, superbisyon at administratibong pangangasiwa sa estado, at pasusulungin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan sa kabuhayan, kalakalan at people to people exchanges, para ibayo pang mapasulong ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Milan Stech na may malaking potensyal ang pagtutulungan ng Tsina at Czech Republic sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang lehislatura ng Czech Republic na magsikap, kasama ng kanyang counterpart ng Tsina, para palalimin ang pag-uunawan at pagtutulungan ng dalawang bansa.