Sinabi nitong Miyerkules, Marso 30, 2016, sa Geneva ni Fu Cong, Pangalawang Puno ng Delegasyong Tsino sa UN sa Geneva, na dapat lutasin ang ugat ng refugees ng Syria.
Sa isang pulong ng UN sa mataas na antas hinggil sa isyu ng refugees ng Syria, sinabi ni Fu na ang paglutas sa isyu ng Syria sa paraang pulitikal, at pagbibigay-tulong sa rekonstruksyon at pag-unlad ng bansang ito, ay pundamental na paraan sa paglutas ng krisis ng refugees ng Syria.
Sinabi ni Fu na upang lutasin ang isyung ito, nagkaloob ang panig Tsino ang halos 685 milyong yuan RMB o halos 105 milyong Dolyares na makataong tulong sa mga bansa sa Gitnang Silangan na kinabibilangan ng Syria.
Sinabi pa niyang hangga't makakaya, nakahanda ang Tsina na ipagkaloob ang mga tulong sa mga Syrian refugees at patingkarin ang konstruktibong papel sa paglutas sa isyung ito.
Ayon sa datos ng United Nations Refugee Agency (UNHCR), sapul nang maganap ang digmaang sibil sa Syria, halos 4 na milyong Syrian ang lumikas sa bansang ito at naging refugees.