|
||||||||
|
||
Geneva, Switzerland-Nanumbalik nitong Miyerkules, Marso 9, 2016 ang talastasang pangkayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Syria at mga armadong grupong kontra-gobyerno.
Ito ang ipinatalastas nang araw ring iyon ni Staffan de Mistura, Espesyal na Sugo ng United Nations sa nasabing isyu.
Pero, magsisimula ang substansyal na talastasan sa ika-14 ng ngayong Marso dahil ilan sa mga kinatawan ay makakarating sa Geneva ngayong weekend.
Ayon kay de Mistura, kabilang sa mga pangunahing paksa sa 10 araw na talastasan ay pangangasiwa ng pamahalaan ng Syria, pagbalangkas ng bagong institusyon, at pagdaraos ng pambansang halalan sa loob na darating na 18 buwan.
Noong ika-27 ng Pebrero, 2016, Ang pamahalaan ng Syria at mga armadong grupong kontra-gobyerno ay nagsimula nang magkaroon ng makasaysayang tigil-putukan.
Sinabi kamakailan ni de Mistura na sa kabila ng ilang karahasan, nananangan sa kabuuan ang mga may kinalamang panig sa kasunduan ng tigil-putukang ito.
Ang nasabing tigil-putukan ay kauna-unahang natupad nitong limang taong nakalipas, sapul nang maganap ang Syrian crisis.
Mahigit 250,000 mamamayang Syrian ang namatay nitong limang taong nakalipas at halos kalahati ng 23 milyong populasyon ng bansa ay sapilitang lumikas ng matitirhan.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |