|
||||||||
|
||
Noong Marso 5, 2011, sumiklab ang digmaang panloob ng Syria. Sa pakikialam ng iba't ibang bansa, tumagal na ito ng limang taon.
Mula 2011, naranasan ng mga mamamayan doon ang gutom, lamig, sakit at pagkawala ng tahanan. Ayon sa estadistika ng UN, lumampas sa 250 libong tao ang nasawi sa digmaan at mahigit 1 milyon ang nasugatan. Bukod dito, mahigit 6.5 milyong tao ang nawalan ang kanilang bahay at mga 4.5 milyong tao ang tumakas papuntang bansang dayuhan.
Noong Pebrero 22, 2016, narating ng Amerika, Rusya at mga may kinalamang panig ang kasunduan ng tigil-putukan at sapul nang magkabisa ito noong ika-27 ng Pebrero, nabawasan nang malaki ang mga marahas na insidente.
Sa ika-limang taon ng krisis ng Syria, muling nagtitipun-tipon sa Geneva ang mga may kinalamang panig sa isyu ng Syria at sinimulan nitong Lunes, March 14, 2016 ang "substansyal na talastasang pangkapayapaan", ayon kay Staffan de Mistura, espesyal na sugo ng UN sa isyu ng Syria. Nawa magdulot ito ng tunay na liwanag sa daan tungo sa kapayapaan ng bansang Syria.
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |