Idinaos nitong Miyerkules, Marso 30, 2016 ang seremonya ng panunungkulan ng bagong gabinete ng Myanmar. Bilang Ministro ng Pananalapi ng pamahalaan, ipinahayag ni Kyaw Win ang pag-asang mapapalakas ang pakikipagtulungang may mutuwal na kapakinabangan sa mga kapitbansang kinabibilangan ng Tsina, India, at Thailand.
Nang mabanggit ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Myanmar, ipinahayag ni Kyaw Win na malaki ang populasyon sa Tsina, at ito ay magbibigay ng malawak na pamilihan para sa industriya ng pagkain ng Myanmar. Aniya, ang industriya at teknolohiya mula sa Tsina ay magbibigay-tulong sa Myanmar.