Sina Htin Kyaw (sa kaliwa) at Aung San Suu Kyi (sa kanan), nasa Union Parliament para manumpa sa tungkulin
Sa Union Parliament ng Myanmar, nanumpa sa tungkulin ngayong araw, Miyerkules, ika-30 ng Marso 2016, ang bagong pamahalaan ng bansang ito.
Ang naturang pamahalaan ay pinamumunuan nina Pangulong Htin Kyaw, Unang Pangalawang Pangulong Myint Swe, at Ikalawang Pangalawang Pangulong Henry Van Htee Yu.
May 21 ministri at 18 ministro ang bagong pamahalaan ng Myanmar. Dahil, si Aung San Suu Kyi, Puno ng naghaharing National League for Democracy, ay ministro ng apat na ministring kinabibilangan ng Ministring Panlabas, Ministri ng Tanggapang Pampanguluhan, Ministri ng Edukasyon, at Ministri ng Elektrisidad at Enerhiya.
Salin: Liu Kai