Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtutulungang Sino-Amerikano sa kaligtasang nuklear, pahihigpitin

(GMT+08:00) 2016-04-01 09:21:29       CRI
Washingtong D.C.—Muling ipinahayag ng Amerika't Tsina ang kanilang pangako sa magkasamang pangangalaga sa pandaigdig na kaligtasang nuklear at pagpapatuloy ng may-kinalamang kooperasyon.

Sa idinaraos na Ika-4 na Nuclear Security Summit (NSS) Washingtong D.C., inilabas ng Tsina't Amerika ang magkasanib na pahayag kung saan nakasaad ang nasabing pangako. Kapwa kalahok sa NSS sina pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika.

Pagtutulungang Sino-Amerikano sa kaligtasang nuklear, noon, sa kasalukuyan at hinaharap

Ayon sa pahayag, ang pagtutulungang nuklear ay naging tampok sa pagpapaunlad ng ugnayan sa pagitan ng pinakamalaking maunlad na bansa't pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig.

Nitong nagdaang Pebrero, idinaos ng dalawang bansa ang kanilang unang diyalogo hinggil sa kaligtasang nuklear sa Stockholm, Sweden. Pinaplano nilang gawing taunang diskusyon ang diyalogong ito para mapalakas ang kanilang kooperasyon sa kaligtasang nuklear.

Noong Marso 18, 2016, magkasamang pinamuhunanan at itinayo ng Tsina at Amerika ang Nuclear Security Center of Excellence, pinakamalaki't pinakamodernong nuclear security center sa Asya-Pasipiko. Ang Sentro ay nakabase sa Beijing. Layon ng nasabing sentro ang pagbibigay ng plataporma ng pagpapalitan ng karanasang bilateral at rehiyonal, pagpapasulong ng modernong teknolohiya, at pagsasanay para magkasamang mapalaganap ang kaalamang nuklear, mapasulong ang pakikilahok ng lahat ng mga miyembro ng komunidad ng daigdig at panatilihin ang pandaigdig na kaligtasang nuklear.

Sinang-ayunan din ng Tsina't Amerika ang patuloy na pagpapasulong ng kooperasyon sa pagsasaayos ng miniature neutron source reactors (MNSR) sa low-enriched uranium fuel mula sa highly enriched uranium fuel.

Ipinangako rin ng dalawang bansa ang pagpapalakas ng kooperasyon bilang tugon sa pagpupuslit na nuklear. Muli silang nangakong pipigilan ang mga terorista, kriminal at ibang unauthorized actor sa pagkakamit ng nuclear o ibang radioactive materials.

Larawan ng International Media Center sa Walter E. Washington Convention Center, lugar na pinagdarausan ng Ika-4 na Nuclear Security Summit. (Xinhua/Li Muzi)

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>