|
||||||||
|
||
Washington D.C.—Huwebes, ika-31 ng Marso 2016, inulit ng Tsina at Estados Unidos ang kanilang pangako sa magkasamang pagharap sa pagbabago ng klima, bilang dalawang pangunahing carbon emitter sa daigdig.
Inilabas nitong Huwebes ang magkasanib na pahayag ng mga lider ng Tsina at Amerika hinggil sa pagbabago ng klima. Ayon sa nasabing pahayag, sa ika-22 ng Abril, lalagdaan ng dalawang bansa ang Paris Agreement na narating noong nagdaang Disyembre sa ika-21 sesyon ng Conference of the Parties (COP21) sa Pransya.
Pinapatingkad ng Tsina at Estados Unidos, kasama ng ibang basa, ang kritikal nilang papel para mapasulong ang pagkakaroon ng nasabing kasunduan. Hanggang sa kasalukuyan, 196 na signataryong panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change ang nagkasundo sa tratadong ito.
Nakatakda sa Paris Agreement ang isang target para makontrol ang pagtaas ng karaniwang temperaturang pandaigdig sa loob ng 2 degree Celsius, kumpara sa pre-industrial levels, at magpupunyagi para kontrolin ito sa loob ng 1.5 degrees.
Nang araw ring iyon, sa panahon ng ika-4 na Nuclear Security Summit, nagtagpo ang mga pangulo ng Tsina at Estados Unidos na sina Xi Jinping at Barack Obama. Ang pagpapalabas ng naturang pahayag ay palatandaan ng mahigpit na kooperasyon ng kapuwa panig sa isyu ng pagbabago ng klima.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |