Washington, Estados Unidos—Sa panahon ng kanyang pagdalo sa pulong mga mga lider ng mekanismo ng anim na bansa hinggil sa isyung nuklear ng Iran noong Biyernes, Abril 1 2016, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagkakaroon ng komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran ay isang milestone, at napakalaki ng tungkulin ng pagpapatupad nito.
Binigyang-diin ni Xi na pangkagipitan ang pagsasaayos sa pandaigdigang seguridad. Aniya, ang pagresolba sa isyung nuklear ng Iran ay nagkaloob ng maraming inpirasyon: Una, ang diyalogo at talastasan ay pinakamagandang pagpili sa paglutas sa mga mainitang isyu. Ika-2, ang kooperasyon ng mga malalaking bansa ay mabisang tsanel para hawakan ang mga malaking alitan. Dapat magsilbing pangunahing puwersa ng paglutas sa mga isyu ang mga malalaking bansa, tulad ng 6 na bansa sa isyung nuklear ng Iran. Ika-3, dapat makatarungang marating ang mga kasunduang pandaigdig. Dapat maayos na resolbahin ang legal na pagkabalisa ng iba't ibang bansa, at huwag isagawa ang double standard sa proseso ng paglutas sa mga alitang pandaigdig. At ika-4, ang desisyong pulitikal ay masusing elemento ng pagpapasulong sa pagtamo ng breakthrough ng talastasan. Dapat gumawa ng desisyon ang iba't ibang panig sa masusing panahon.
Binigyang-diin ni Xi na sa mula't mula pa'y ang Tsina ay aktibong kasali, konstruktor at kontributor sa proseso ng paglutas sa isyung nuklear ng Iran. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang panig, para mapasulong ang pagpapatupad ng nabanggit na komprehensibong kasunduan, at pagsasaayos sa pandaigdigang seguridad.
Salin: Vera