Biyernes, Abril 1 2016, nanungkulan ang Tsina bilang tagapangulong bansa ng United Nations Security Council (UNSC) sa buwang ito.
Isinalaysay ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ngayong Abril, susuriin ng UNSC ang mga mainitang isyung gaya ng Syria, Yemen, Gitnang Silangan, at Somalia, at idaraos ang 3 bukas na debatehan hinggil sa isyu ng Palestina at Israel, paglaban sa terorismo, at isyu ng mga pirata sa Gulf of Guinea.
Ang UNSC ay binubuo ng 5 pirmihang kasaping bansa at 10 di-pirmihang kasaping bansa. Halinhinang nanunungkulan bilang tagapangulong bansa ang 15 kasapi, at isang buwan ang bawat termino.
Salin: Vera