Ipininid kahapon sa Washington D. C. ang Ika-4 na Nuclear Security Summit (NSS), ipinahayag ni Dong Zhihua, isang opisyal mula sa Ministring Panlabas ng Tsina na ang ika-2 beses na pagdalo ni Pangulong Xi Jinping sa NSS ay lubos na nagpakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa seguridad na nuklear at buong lakas na pagkatig ng Tsina sa paglaban sa terorismong nuklear.
Nilagum pa ni Dong ang apat na bungang natamo ng Tsina sa katatapos na Ika-4 na NSS na kinabibilangan ng: una, pagharap ng paninindigan ng bansa at pagpapasulong sa pagtamo ng positibong bunga; ika-2, pagharap ng mungkahi ng bansa at pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon pagkatapos ng samit; ika-3, pagpapatupad ng pangako at pagpapakita ng mga natamong progreso na may kinalaman sa seguridad na nuklear; ika-4, paglagom ng mga karanasan ng talastasang nuklear ng Iran.