|
||||||||
|
||
Washington D.C.—Biyernes, Abril 1 2016, ipininid dito ang ika-4 na Nuclear Security Summit (NSS). Nangulo sa seremonya ng pagpipinid si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos.
Sa kanyang talumpati sa pulong, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang 4 na paninindigan sa pagbibigay-dagok sa terorismong nuklear.
Una, mahigpit na kokontrolin ang pinanggagalingan ng materyal na nuklear, palalakasin ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa seguridad ng materyal na nuklear, sa buong proseso ng produksyon, paggamit, transportasyon, at reserba.
Ika-2, sa pamamagitan ng bagong pamamaraan, puspusang palalakasin ang paglaban sa terorismo sa internet. Buong tatag na bibigyang-dagok ang pagpaplano at pag-udyok ng teroristikong aktibidad sa pamamagitan ng mga tsanel na gaya ng new media, at palakakasin ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa pinansya.
Ika-3, dapat maging mabilis ang pagtugon sa mga pangkagipitang pangyayari. Kukumpletuhin ang mekanismo ng pagtugon sa iba't ibang antas, samantalang palalakasin ang transnasyonal na pagpapalitan ng impormasyon at kooperasyon sa pagpapatupad ng batas.
At ika-4, kukumpletuhin ang batas at regulasyon. Dapat isakatuparan ang lehislasyon sa pangangalaga sa seguridad ng materyal na nuklear at instalasyong nuklear, at pabilisin ang pagkukumpleto ng mga kinauukulang batas para makatuon sa bagong panganib.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |